Lets Taste The Coconut Wine
Ang tuba or Coconut wine ay galing sa bagong umuusbong na bunga ng niyog na sarado pa at hindi pa bumubuka ang pinakabalot nito. ginagamian ito ng caret para hiwain ang pinakadulo ng magiging bulaklak at doon ilalagay ang kawayan or plastic na maaring gamitin para saluhin ang patak ng katas nito na matamis at tinatawag na tuba. . Ang pangangaret ng tuba ay ginagawa sa umaga at hapon para tuloy tuloy ang labas ng katas nito. madalas itong hinaharvest sa umaga at napakatamis ang tuba sa umaga. pero habang tumatagal ay umaasim din ito ng paunti unti hanggang nagiging suka paglipas ng ilang araw. Ang ibang mga magttuba ay nilalagyan ito ng isang halaman na at nagiging pula. . Sa karanasan ng mga taong nakaakinom sinasabi nila na kapag nakainom ka ng maraming tuba ay nakakalasing din ito at nakakapanghina ng katawan na parang aantukin ka. Kaya masarap itong inumin sa gabi para masarap ang tulog. Ang tuba ang siyang karaniwang ginagawang suka sa probinsiya. Para sa inyong mga comment at su...