Posts

Showing posts from April 20, 2020

Manguha Tayo Ng Kapis Talaba At Mga Shell Sa Bakawan

Image
Kasama ko ang aking mga kapatid pumunta kami sa bakawan para manguha ng ulam namin ngayong gabi. naglakad-lakad kami sa mga bakawan para makakuha ng kapis Ang kapis ay ay nakukuha sa mga singit ng mga puno at ugat ng mga bakaw. meron itong ibat ibang size. kung minsan ay mataba at kung minsan payat naman ang lamang loob. bukod sa kapis nakakuha din kami ng mga shell na kumakapit sa mga puno at ugat ng bakawan masarap itong sabawan or gataan. ang tutok ay isang shell na kailangang putulin ang matulis na bahagi sa buntot para pwedeng sispsipin kapagka kinain mo na ang lamang loob. Bukod sa kapis at shell nakakuha din kami ng Mad Clams or kibaw sa amin. yung kibaw na manipis ay nakukuha sa ilalaim ng putik at kailangan mong apak apakan ang putik at salatin ng iyong mga paa. kapag may naapakan kang medyo bilog or hugis kibaw na makinis yun na yung kibaw. masarap itong kainin ng sariwa at isawsaw sa suka or kaya naman ay gawing clams soup or gataan at haluan ng mga gulay. Mas maige...