Manguha Tayo Ng Kapis Talaba At Mga Shell Sa Bakawan

Kasama ko ang aking mga kapatid pumunta kami sa bakawan para manguha ng ulam namin ngayong gabi.
naglakad-lakad kami sa mga bakawan para makakuha ng kapis
Ang kapis ay ay nakukuha sa mga singit ng mga puno at ugat ng mga bakaw. meron itong ibat ibang size. kung minsan ay mataba at kung minsan payat naman ang lamang loob.
bukod sa kapis nakakuha din kami ng mga shell na kumakapit sa mga puno at ugat ng bakawan masarap itong sabawan or gataan.
ang tutok ay isang shell na kailangang putulin ang matulis na bahagi sa buntot para pwedeng sispsipin kapagka kinain mo na ang lamang loob.
Bukod sa kapis at shell nakakuha din kami ng Mad Clams or kibaw sa amin. yung kibaw na manipis ay nakukuha sa ilalaim ng putik at kailangan mong apak apakan ang putik at salatin ng iyong mga paa. kapag may naapakan kang medyo bilog or hugis kibaw na makinis yun na yung kibaw.
masarap itong kainin ng sariwa at isawsaw sa suka or kaya naman ay gawing clams soup or gataan at haluan ng mga gulay.
Mas maige itong kunin kapag ka low tide dahil nakabaon yung madclams na ito or kibaw ng mga kalahating metro hanggang isang metro sa ilalim ng putikan. kinakain din ito ng mga alimango at iba pang hayop kaya madalas nakakaapak ng mga shell na walang laman. Masaya kaming nakakuha ng mga kapis, kibaw at shell kaya solve ang aming dinner tonight. For your comments and suggestions pleave leave it down below.

Comments

Popular posts from this blog

Adobo At Kalamares Na Barakong Pusit

Kuha Ng Yantok o Rattan At Buho (Bamboo) Sa Bundok