Manghuli Tayo Ng Kuday Or Landcrabs Gamit Ang Bamboo Trap
Gumawa kami ng bamboo trap at nakagawa kami ng 14 piraso. pero kailangan muna naming pumutol ng kawayan. kailangan ding putol-putulin ang kawayan bago ka makagawa ng bamboo trap. siyempre kailangan gawan ng 2 butas sa magkabilang dulo lagyan ng pampitik, para pagpumasok ang kuday o manla at masagi ang maliit na lock sa loob ay bigla nalang itong pipitik at babagsak ang pitik para masaraduhan ang butas. . Pagkatapos naming gumawa nagtungo kami sa magandang isla para doon maglagay at manghuli ng kuday. Masaya kaming naglagay ng trap sa isla. Nangilaw din kami dito, nagluto, kumain at doon nadin kami natulog. Kinabukasan meron kaming nahuling 15 piraso na landcrabs.. Umuwi kaming masaya dahil meron kaming huli at itoy aming gagataan at hahaluan ng kalabasa. Para sa inyong mga comment at suggestion pakisulat nalang po sa comment section para alam kung dumaan ka dito. Huwag mo din kakalimutang mag subscribe at panuorin ang video para makita mo ang actual naming ginawa.